Friday, June 19, 2009

Weakling!

Ang dalas ko magkasakit, itong week nagkasakit na naman ako.
First day of school gising ako ng 5:15am excited naman ako umalis ako ng bahay ng 6:20am, Unang subject wow wala si prof magiintay ka syempre ng isa't kalahating oras para sa isa ko pang subject noong araw na yun. 8:30am andun na si Prof masaya gusto ko yung prof magaling yun e.
mga 9:30am umuulan na, lagot ako dahil hindi ko dinala yung BAGONG BILI kong payong haha asar na asar ako nun kasi bagong bili nga hindi ko naman dala. Umuwi ako lumusong ako sa ulan kasi gusto ko ng umuwi tinakbuhan ko lang yung malakas na ulan galing nga e nahabol pa rin nya ako.
Pag uwi ko ito na ramdam ko na ramdam na ramdam ko na ang init....init ng katawan kaya natulog ako pagkatapos kong kumain sandali..
pag gising ko ang sakit na ng ulo ko. nilalagnat na ako, nood ako ng tv Ayun ang Headline! Bagong kaso ng mga may sakit ng H1N1 naks ako parang wala lang. Kinagabihan hindi na talaga maganda pakiramdam ko nanunuod ako ng TV, balita... Ang galing puro H1N1 ang balita ano nangyari sa akin? ayun naparanoid ako dahil nalaman ko isa din pala ang pamamaga ng tonsil sa mga sintomas ng virus na to na naging sakit ko noong nakaraang linggo.
Nakita ko ang interview ng isang napagaling na galing sa sakit ng H1N1, paranoid na ako dahil mayroon ngang tinatawag na "diskriminasyon" kapag dinapuan ka ng sakit na nakakahawa.
Ang nangyari sa akin hindi ako mapakali sabi ko ano ang sakit ko baka may H1N1 na ako, Hindi ako makatulog.... hindi talaga..
Pag dating ng alas dos ng umaga nakatulog ako.
5:15am Naririnig ko ang boses ni Taylor Swift... " i never gone with the wind just let it flow...." senyales ng aking alarm. Hindi maganda ang pakiramdam ko pero naligo ako, nagbihis... sabay sabing " hindi ko kayang pumasok, lord pramis magpapacheck up na ako ngayon hindi na ako magiging pasaway".
Takot kasi ako sa mga doktor hindi lang takot masama din ang tingin ko sa kanila mga oportunista.. pasensya na base lamang ito sa aking mga "experience".
Pero wala ng atrasan to hindi ko kayang pumasok paranoid ako sa sakit ko nagtext ako sa mga kaibigan ko na ipagdasal nila ako.
Dumating ang tanghali sabi ko bakit parang ok na ako, wag na kaya ako pacheck up. Ngunit sumumpong ito ulit
5:45pm kasalukuyan kong pinapanuod si Jun Pyo at Jan Di tinawag ako at sinabi sa akin "Tara na punta na tayo sa doctor bihis ka na"
Sabi ko "Ma, bukas na lang kaya paguwi ko galing school?" Napapaurong na ako.
"hindi ngayon na. para makainom ka ng gamot"
Matamlay akong nagbihis pumunta ng may takot. Nilagay ang thermometer, habang binabasa ko ang sintomas ng sakit na H1N1 nakalagay. Sakit ng ulo, lagnat, pamamaga ng tonsil. Bingo! 3/8 ako! Hinarap ako ng doktor tinignan ang aking lalamunan, mapula daw maghintay ng 2-3 days baka naimpeksyon daw ako. Wala daw akong H1N1 dahil wala naman akong nakausap na galing sa ibang bansa.
Punta tayo sa ibang sakit.
"Dok madalas po ang pulikat ko"
Nireseta sa akin ang pagkuha ng exam titignan daw ang aking Calcium Sodium at hindi ko matandaan yung isa.
Wala daw silang exam para dun sa isa, kaya sinabi ko next time na lang para lahat na isahan na lang.


Hindi ko alam kung paano tatapusin 'to.
May kwento pa sana ako... Nasa Dark side na naman ako hanggang dito na lang.