May nangyari sa akin nung nakaraang linggo na ngayon ko lang maisusulat dahil ngayon lang ako nagkaroon ng oras.
Ito ay nangyari sa loob ng kompyuter, sa internet, sa online game.
Nagkaroon ako ng problema nitong mga nakaraang linggo dahil sabay sabay ang mga dapat gawin, una na dito ay ang musical production namin na tinatapos, na ang practice ay simula 9 ng umaga hanggang 9 o 10 ng gabi.(Take note: Lunch lang ang kain namin, walang dinner)
Nagtatapos kami ng dapat tapusin, hindi kami pumasok sa mga kanya kanyang klase para bigyang daan ito.
Friday ng aming iperform ito sa campus at worth it naman ang mga sakripisyong ginawa namin.
Hindi ako nakapasok ng Sabado dahil sa pagod, Ginamit ko na ang oras para MAGAWA ang 11 kong project, Isa kong report, Ang pag gawa ng Layout sa ginagawa kong tabloid.
Naisip ko hindi ko kaya ng mag-isa ito, baka hindi ako makatapos sa deadline na February, 27.
Naalala ko ang mga kaibigan sa Online Game na alam kong sila lang ang makakatulong.
Kaya naman ang ginawa ko ay nagpost ako humingi ng TULONG para sa Limang Reaction Papers na gagawin ko.
Sinabi ko dito, na magbibigay ako ng 15k kung may makatulong man sa akin, at sa huli ay sinabi ko na ang magagawang reaction paper ay gagawin ko lamang GUIDE para sa aking hinihingi.
Malinaw na humihingi lamang ako ng Tulong at walang pinipilit na tulungan ako.
Binanggit ko rin na pasensya na dahil may 11 akong project na naka load pa kaya kinakailangan kong humingi ng tulong.
Kinabukasan may nagmessage sa akin, at sinabing "REAKSYON PAPER LANG nagpapatulong pa ako, puntahan ko lang daw ang mga lugar na ito at makakagawa ako, nakakapunta ka nga ng MOA sa Intramuros pa kaya" sa natanggap kong mensahe okay lang sa akin, nag hehe lang ako dahil magkakilala kami, MAGKAIBIGAN(kung magkaibigan nga).
Ngunit pagbukas ko ng thread ko sa forums, ay nakita ko din ang mensahe nya sa thread ko.
ang una kong reaksyon, nag PM na sya a, bakit kailangan pang maglagay dito at ipangalandakan sa iba?.
Sasabihin ko, Pinaramdam mo sa akin na BOBO ako, TANGA ako, HINDI ako MARUNONG ng nakita ko ang post mo sa thread ko (Hindi ako napersonal kung message lang sa akin).
Bakit kailangan pang ipost? yun ang hinaing ko.
Ang mas nakasama pa ay may MGA GUMATONG PA, may nagsabi pa nga, hayaan ako para maging INDEPENDENT daw ako dahil pagsisisihan ko daw ito sa HULI.
Masakit e, ano ba ang lumabas?
Ito lang..
Sinabi ko TULONG LANG.
PATULONG LANG NAMAN.(kung pwede)
WALA AKONG PINILIT NA TULUNGAN AKO
KUNG PWEDE LANG NAMAN AY PATULONG.
-
Hindi ako nagsusumbat mga kaibigan, pero kayo tinulungan ko kayo, natulungan namin kayo ng walang sinasabi, ng bukal sa loob.
Ngayon lang humingi ng tulong ang kaibigan niyo.(ako)
Bakit kailangan may masabi pa.
Nakakalungkot para sa akin. Pero tinatanggap ko na ganoon ang nangyari.
Siguro nga ay mali ako na magpatulong sa reaksyon paper lang, pasensya na.
-
Para sa mga hindi nakakaalam Ang thread ko ay dinelete na agad at hindi na ako humingi ng tulong pa at hinding hindi na hihingi ng tulong ulit.
At sa isyung ito talo ako magpapatalo na ako.
nasabi ko na sa sarili ko na hindi na ako babalik pa, sino ba ang babalikan ko?meron ba?Kung meron man si Dee at Mee lang.
Aayaw ako hindi dahil sa pride ko.
Baka Bobo lang talaga ako,o kaya naman ay hindi talaga para sa akin sabi nga ni Bob Ong.
